Imbak para sa Oktubre, 2007

Top Payb Padre Salvi’s Pipol Picks

Posted in Pastorals, TV on Oktubre 30, 2007 by Padre Salvi

Nagbabalik na naman ang aking mga paboritong tao sa larangan ng kung anu ano. Eto pala yung una kong picks.

 

Top 1 – Zachary Quinto – plays Sylar in Heroes.

“The Geeky Villain”

Para sa kanyang di matatawarang performance bilang isang geek murderer.

 

 

Top 2 – Kristen Bell – plays Elle in Heroes Season 2.

” The Electric Babe”

Para sa kanyang uber cool power that tingles your senses.

 

Top 3 – John Krasinski – plays Jim Halpert in The Office

“The Mystifying Eyes”

Para sa kanyang unique na pagkaconscious sa camera.

 

Top 4 – Steve Carell – plays Michael Scott in The Office

“The Kid Boss”

Para sa kanyang super cool na role bilang boss sa Dunder-Mifflin Scranton Branch

 

Top 5 – Teri Hatcher – plays Susan Mayer in Desperate Housewives

“The Menopausal Housewife”

Para sa kanyang controversial remark sa med schools ng Pilipinas.

 

Advertisements

Go Me!

Posted in Pastorals on Oktubre 26, 2007 by Padre Salvi

 

new-picture.jpg

GWA: 1.605263158

I’m an effin’ College Scholar. (Ang Yabang!)

Dumbledore LOVES Grindelwald

Posted in Pastorals with tags on Oktubre 23, 2007 by Padre Salvi

Lance Bass, Gay

Mark Feehily, Gay

Neil Patrick Harris, Gay

TR Knight, Gay

Albus Percival Wulfric Brian Dumbledore, Gay.

Hindi kayo HP Fan kung sa akin niyo lang nalaman na bading itong si Dumbledore. Nireveal nitong si JK Rowling na ang isa sa mga pinakasikat niyang karakter sa Harry Potter Series ay umibig sa kanyang matalik na kaibigang si Grindelwald. Misteryo nga ang pagkatao nitong si Dumbledore dahil sa ikapitong libro lang natin nalaman ang kanyang totoong buhay. Mahaba kung tutuusin ang mga kwento ng mundo ni Harry Potter ngunit hindi pa rin naikukuwento ang love story ni Dumbledore sa mga pahina ng sikat na series na ito.

Oo nga, hindi naikwento ang love story ni Albus, thus, I came up to a theory that McGonagall is a lesbo. Haha. Hindi ko rin naman nabasa ang buhay pag-ibig ng taong ito sa libro. At alam ko na kung sino ang karelasyon ni Minerva, si Pomona Sprout! Haha.

Para sa buong kwento, eto ang link

http://www.newsweek.com/id/50787/page/1 

Chasing Waterfalls

Posted in Pastorals on Oktubre 20, 2007 by Padre Salvi

NaLSS ako sa Waterfalls ng TLC.

Pumunta kasi si Tim Tayag ng programang On Foot sa isang waterfalls dun sa may Siquijor. Being a comedian, he said the line

Don’t go chasing waterfalls, please stick to the rivers..

Ayun, medyo familiar ang linyang iyan so I Googled it. Lumabas ang tumataginting na mga lyrics websites stating na parte yan ng kantang Waterfalls ng TLC. Then, dumerecho na sa Imeem. Paulit ulit ang kanta hanggang sa idownload ko na sa Limewire. The END.

Remember, don’t go chasin’ waterfalls. Please stick to the rivers and the lakes that you’re used to. Haha. Dinownload ko rin ang Face Down ng Red Jumpsuit Apparatus at 1973 ni James Blunt.

~~

Sabi ko nga, kung gusto niyo ng PBB posts, punta kayo sa MULTIPLY ko or sa BLOGSPOT ko para sa aking mga kaadikan.

~~

Ipagdasal natin ang mga nasawi sa Glorietta Bombing nung Friday.

Madalas kaming dumaan sa lugar na iyon dahil sa Park Square 2 kami lagi nagpapark tuwing Linggo. Nakakaawang tingnan na sirang sirana ang lahat ng nandoon. Paano na kaya ang mga lagi kong nakikitang empleyado doon? Maaaring isa sa kanila ang nasa listahan ng mga nasawi. Natakot din ako sa insidenteng iyon ngunit nagpapasalamat naman ako sa Diyos at hindi ito nataon sa aming Lingguhang pagtungo sa Glorietta. Wala rin sa aking mga kamag-anak ang nagpasyang pumunta sa Glorietta noong araw na iyon.

Sinasabi kong muli, ipagdasal natin sila at ang kaligtasan ng buong mundo mula sa mapangahas na mga terorista.

World Peace!

The Desktop Meme

Posted in Pastorals on Oktubre 17, 2007 by Padre Salvi

Uso na raw ang ipakita ang desktop ngayon. Kaya naman naisipan kong gumawa na rin ng post na tulad nito. Tinawag nila itong MEME. San ba nanggaling ang MEME? Baka naman maging winning word na to sa 2008 Scripps Nat’l Spelling Bee ah.

Nakita ko kasi to kay Arnel. Nainspire naman ako. Pero lalagyan ko ito ng variation. Di lang Desktop ang ilalagay kong pics kundi lahat ng pinaggagagawa ko sa mundo ng World Wide Web.

[Click to Enlarge ang drama natin ngayon – upang makita ang kalahatan ng aking gawain]

 

 

Desktop

Haha. I love Sylar. Kaya naman siya ang wallpaper ko.

At napansin niyong nasa left ang aking taskbar.

Kasi mahilig ako sa maraming windows. Kahit may tabs na, di ko maiwasan na dumami pa rin ang windows ko.

Eto pa ang ilang mga habits ko habang nag oonline:

 

 

chat.JPG

Chatting – Bihira lang ako kumausap ng chatmate. Nagoonline lang talaga ako. Haha.

 

crs.JPG

CRS – Nako. Mababahala ka talaga kung dalawa lang ang subjects na nakuha mo. May konting silip pa sa naging performance ko sa Bio1 at Duckpin.

 

 

friendster.JPG

Friendster – I’m a friendster freak now. Makikita na lagi sa aking profile ang

Last Login: 24 hours ago.

 

heroesrevealed.JPG

Heroes Revealed – To get the latest scoop on my favorite series, HEROES!

 

 

kol.JPG

Kingdom of Loathing – The coolest Online Game ever.

 

pbb.JPG

PBB – As usual. To get the latest scoop from PBB.

 

watching-heroes.JPG

Watching Heroes – Kapag hindi na makahintay sa TV premiere nito sa pinas, sa internet na!

 

untitled.JPG

Blog – Syempre posting sa blog..

 

Kung gusto niyo ring gumawa ng post na ganito, feel free!

Just press PRINT SCREEN kung guto niyo kunin ang imahe ng iyong ginagawaan, then CTRL + V sa pinakamalapit na pinag-eeditan ng pics [e.g Putoshop, Paint] and Voila! May image ka na!

Do I spel guod?

Posted in Pastorals on Oktubre 14, 2007 by Padre Salvi

Napanood ko na naman sa ESPN ang aking favorite sport – Spelling!

Nakakaamaze kasi ang mga bata sa pagspell ng words na kay Miriam Defensor-Santiago ko lang ata maririnig. Eto, watch this video:

Nagpunta ako sa website nila. Pati yata si Inday, manonosebleed sa mga ibinigay nilang mga words. Tingnan natin ang word list ng nanalo sa 2007 Scripps National Spelling Bee na si Evan O’Dorney.

Individual Results for
Evan O’Dorney
Round Correct Spelling Contestant’s Spelling
1 Multiple-Choice Test
2 boundary boundary
3 compunctious compunctious
4 corrigenda corrigenda
5 affiche affiche
6 corinne corinne
7 rascacio rascacio
8 schuhplattler schuhplattler
9 laquear laquear
10 Zoilus Zoilus
11 pappardelle pappardelle
12 yosenabe yosenabe
13 serrefine serrefine

Oh. Kung sino ba naman di manosebleed dyan. Mukha lang siyang madali kasi nakikita niyo na yung words. Pero yung actual na maririnig mo lang yung word at kung anu anu pang definition eh kulang na lang eh mahimatay ka. Tulad nito:

Naghanap ako sa dictionary ng 10 words na most likely lalabas or lumabas na sa mga spelling bees. Eto ang mga yun:

  1. pozzolana (pot sow lana) – a poron’s variety of volcanic tuff or ash used in making hydraulic cement.
  2. klaberjass (kla ber yas) – a German card game.
  3. lekythos (le ki thos) – an oil jar with an ellipsoidal body, narrow nest and flanged mouth.
  4. wapatoo (wo pa too) – an arrowhead plant.
  5. cautery (ko te ree) – an escharotic substance or a hot iron used to destroy tissue.
  6. jube (joo bee) – a screen with an upper platform, separating the choir of a church from the nave and often supporting a rood.
  7. schlieren (shleer en) – streaks in an igneous rock.
  8. weltansicht (velt an zikht) – a world view
  9. duomo (dwo mo) – cathedral
  10. Yahrzeit (Yar tsayt) – a Jewish anniversary of a death of a relative.

Ayan, kapag sumali na kayo sa isang spelling bee, isapuso ang mga nakita niyong words dito. Baka kayo pa ang manalo. Kapag naispell niyo ng tama ang words na ito, kasingtuwa na kayo ng nasa video na ito:

~~

PBBCE2 na!

Finding PBB posts? Nandun siya sa isang blog ko. http://carlthehero.blogspot.com. Simultaneous posting sa http://padresalvi.multiply.com

 

 

What time is it?

Posted in Kabulastugans on Oktubre 12, 2007 by Padre Salvi

It’s sembreak.

Now I feel what sembreak is like for college students.

Badtrip kasi ang sembreak kapag high school. Hindi talaga hahayaan ng mga teachers namin na wala kaming gagawin sa sembreak. Kaya ang nangyayari, nagkakaroon pa kami ng something to cram on pag malapit na ulit ang pasukan.  Kaya heto ako ngayon, inuupdate ko na ang aking inaamag na blog dahil wala na akong gagawin. (so far)

Dahil nga sembreak ngayon, nandito lang ako sa bahay all the time. Makakapiling ko na ang aming komunidad ng humigit kumulang na tatlong linggo. Kaya naman magkukuwento ako tungkol sa aming komunidad dito sa Taguig.

May 1995 nung una kaming manatili dito sa Pinagsama Village, Western Bicutan, Taguig. Actually, halos lahat ng may-ari ng kani kaniyang lupa dito ay tubong Makati. Para sa ikabubuti ng kalagayan ng daanan dito sa Maynila, naisipan nilang pagkunektahin ang NLEX at SLEX sa tulong ng isang road, ang President Garcia Avenue. Unfamiliar? C5 lang yun.

Sa kasamaang palad, sumakto ang bahay namin sa mga tatamaan ng sinabing proyekto. Kaya ayun, napilitan kaming lumipat dito sa Taguig. Ni relocate kami ng mabubuting mga citizens ng Metro Manila. Kaya ayun.

Naranasan din namin ang kumulang isang taon na walang kuryente. Siyam na taong walang NAWASA. At hanggang ngayon, ang hindi pagkilala sa mga mapa ng Pilipinas. Bakit ko ba nasabi? Kasi tumawag ako sa Pizza Hut, tapos hindi nila alam ang lugar namin. Baka madali sila sa 30-minute rule kaya hinindian nila ang offer. Anlapit ng konek.

Pero, nakikita naman ang bahay namin sa Google Earth. O diba!

Ayun, sa komunidad namin, streetmates lang ang kilala ko. Sa tagal ba naman namin dito. Kilala na ako ng mga kapitbahay namin. Minasdan ang aking paglaki. (ng ano?) Inobserbahan ang pag-asenso ng isa’t isa. At yun. Kalahati na sa street namin eh hanggang third floor na ang bahay. Haha.

Pero hindi pa rin sila updated sa mga personal na nangyayari sa bawat isa. Marami pa rin ang nagtatanong sakin kung saan nag-aaral si ganito. Si ganun. Nabuntis na pala si ganun. May kabit na si ganyan. Lahat na yata ng mangyayari, nabalitaan ko na sa amin. May shoot out pa promise! Dun sa kanto namin eh inagaw niya ang baril ng sekyu dun sa may sanglaan. Ayun. Nag-amok. Pero naging matiwasay naman ang nangyari kinabukasan. Parang wala lang.

Tapos nakita ko na lang yung teenager na kapitbahay namin na lumalaki na ang tyan. Nyak, nadisgrasya. Sabi na nga ba eh. Haha. Tapos meron nag-aaway. Madalas ito mangyari. Napakacommon na nito to the extent na hindi na lumalabas ang mga tao samin para panoorin ang nag-aaway. Nanonood na lang sila ng Kokey. Kasi hindi nila patatawarin yung nag-away kapag namiss nila ang paglalaban ni Habi at Nicasio. Haha.

Hindi ko rin maiwasan na sagutin ang mga tanong nila sakin. 100 beses na yata nila naitanong kung saan ako nag-aaral at kung anung course ko. Sana magsuot na lang ako ng plakang may nakasulat na UPDiliman BS ECE. Para hindi na sila magtatanong.

Syanga pala, alam niyo ba na 80% ng  mga bata samin eh nagaaral sa Makati?

Haha.

——

Sino may dvd ng Grey’s Anatomy Season 1 or The Office?