Imbak para sa Nobyembre, 2007

Peysbuk

Posted in Liban, Pastorals on Nobyembre 30, 2007 by Padre Salvi

facebook.jpg

Alam ko matagal na ito. Pero ngayon ko lang pinansin ang FACEBOOK.

Ayon ulit sa Wikipedia,

Facebook is a social networking website that allows people to communicate with their friends and exchange information. Launched on February 4, 2004, Facebook was founded by Mark Zuckerberg, a member of the Harvard class of 2006 and former Ardsley High School student. Initially the membership was restricted to students of Harvard College. It was subsequently expanded to all Ivy League schools within two months. Many individual universities were added in rapid succession over the next year. Eventually, people with a university (e.g .edu, .ac.uk, etc.) email address from institutions across the globe were eligible to join. Networks were then initiated for high schools and some large companies. Since September 11, 2006, anyone 13 or older may join.[2][3] Users can select to join one or more participating networks, such as a high school, place of employment, or geographic region.

So ayun. Ibig sabihin. Pinalevel na friendster ang Facebook. Masyado kasi akong nakokornihan sa friendster. Lahat naman ng nandun ay nasa Facebook din. Pero maraming applications ang pwede itry sa Facebook.

Wala lang. Ineencourage ko pala kayong magfacebook. Kapag may account na kayo, a simple search of “Carl Dayandante” will do.

~~

May adventure pala kami mula bukas hanggang Tuesday. Para may clue kayo kung saan, read this post.

~~

7th death anniversary na pala ng Lolo ko. Alam kong masaya na siya sa Heaven ngayon.

Pahabol

Posted in Birthday on Nobyembre 27, 2007 by Padre Salvi

Hapi Bertday sa Tatay ko!

 

43 years old na siya.

 

Yeboi!!

Apprentice 7: Celebrity Edition!

Posted in Birthday, Pastorals, TV on Nobyembre 24, 2007 by Padre Salvi

Matapos manalo si Stefani Schaeffer sa The Apprentice 6: Los Angeles. Nagbabalik si Donald Trump para masabi uli ang kanyang paboritong linyang “You’re Fired”. Pero hindi para sa mga normal na lawyers at businessmen na nagaaudition sa kanya, kundi sa mga artista!

Lineup:

[Kinuha sa Wikipedia ang mga links]

Kababaihan

Kalalakihan

Kasali si Piers Morgan! Siya bet ko ngayon. Haha.

Syanga pala. Inofferan din ng slot si Rosie O’Donell pero tinanggihan niya. Oo nga naman. Baka may bitter feelings pa rin si Donald Trump sa kanya tapos i-fire siya. Mag-away pa sila ulit.

Nag-offer din sila ng slots para sa mga cast ng The Office, pero walang may gusto.

Exciting ang palabas na ito!

~~

Di na ko makakapagpost bukas.. kaya babatiin ko na ng Happy Bertday itong taong to.

[picture deleted]

Hapi Bertday Martin! [Nov 25]

Hapi Bertday Pren!

Posted in Birthday, Pastorals on Nobyembre 21, 2007 by Padre Salvi

picture-038.jpg

Sadyang tinakpan ang ilang mga bahagi ng larawan para sa ikabubuti ng lahat.

Hapi bertday ulit! Haha. May magcecelebrate rin pala ng bertday niya sa

Linggo. Sino kaya siya? Alam kong kilalang kilala niyo siya.

 [sidetrip]

wishlist ko para sa pasko

1.] HEROES SHIRT!

2.] PBB SHIRT!

Padre Salvi: In Love?

Posted in Le Cinema, Love on Nobyembre 18, 2007 by Padre Salvi

Nalinlang kayo ng title.

Kahapon lamang ay nanood kami ng ilang mga UP/Maksci friends ng pelikulang One More Chance ni John Lloyd Cruz at Bea Alonzo. Sabihin niyo nang corny, pero we’re love story addicts kaya kahit aapat lamang kami eh walang nakapigil saming manood. This post will not be a rehash of the plot of the movie but my reaction towards all love stories circulating around the Milky Way Galaxy.

1mrechance.jpg

Ayon sa Wikipedia,

Love has many different meanings in English, from something that gives a little pleasure (“I loved that meal”) to something one would die for (patriotism, pair bonding). It can describe an intense feeling of affection, an emotion or an emotional state. In ordinary use, it usually refers to interpersonal love

We can have many unique answers to the question “What is Love?”. Hindi lang nakabase dyan sa nakuha kong meaning sa Wikipedia.Kaya siguro iba-iba ang ating pag-atake kapag dumating na ang love na ito. Merong pinadadaan lang, may OA kung tumanggap, may ayaw bitawan, may jinojoke lang, may nashoshock at marami pang iba. Sabi nga ng Powerpuff Girls eh “Love Makes the World Go Round”. Pinapaikot tayo ng Love. Nagpapadala ba kayo?

Sa dami ng mga love stories na napanood ko, lahat naman sila ay nagpakilig sa aking skeletal system. Yung iba, super unique, yung iba, common lang pero it made a very special appeal to its viewers. Kung happy ending ang storya, iniisip ko na sana ay love story ko iyan. Kung sad ending naman, sana eh maiwasan ko ang ganyan. Sa tagal ng hangover ng mga love story sa akin, nag-iisip talaga ako ng isang love story that was never told. Ang hirap. Parang lahat, naikwento na.

Nung high school ako, uso ang usbungan ng pagmamahalan, ay naranasan ko rin ang mainlove kahit sandali lang. Nakagawa na ako ng love quote nung time na yun sa sobrang hangover ko nun.

Ikaw ang nagsusulat ng love story mo. Ang mga bumibigo sa iyong pag-ibig ay mga kontrabida sa storya mo. Mahahanap mo rin ang kaloveteam mo balang araw. Kaya nakakaranas ng sakit ay para hindi naman maboring ang mga manonood ng iyong love story sakali mang isapelikula ito balang araw.

O diba. Haha. Bakit ba ako nakagawa ng post na ito?

MAY HANG-OVER AKO SA ONE MORE CHANCE.

[I want to be a Math Prof Someday.. sidetrip lang]

BBP – Boy Band Peeber

Posted in Kabulastugans, Le Musique, Pastorals on Nobyembre 12, 2007 by Padre Salvi

Wanted: Mga Lalaking sumisigaw, may formation at may assigned na linya kapag kumakanta.

 

 

Magsawa kayo kay Nick Carter sa video na ito.

 

 

Kung nakalimutan niyo na, nung 1998 – 2002 naging hit sa buong mundo ang mga tinatawag nating Boy Bands. Binubuo sila ng [let x=number of members] 2<x<6 na mga lalaki [pwedeng closet gay] na kumakanta at nagpapakyut sa kanilang mga music videos. Honestly, nahook din ako sa fever na ito. Evident pa rin sa akin na miyembro ako ng fans club ng Westlife. Kabisado ko pa ang kanilang mga hit singles like My Love, Fool Again, World of Our Own etc. Mapapakinggan niyo rin ito sa aking mahiwagang mp3 player. Nandyan si Toni para sa aking testigo.

 

Nung time na yun, nauso sa mga text channels ang pakikipag-away sa mga fans ng kabilang boyband. Westlife vs A1 vs Backstreet Boys vs N’Sync vs Blue vs other pipitchuging boy bands. Kung nahook ka rin noong araw, malamang eh namroblema, nakigulo o alam mo ang mga bagay na ito.

  • Naguguluhan ka kung sino ang pinakaguwapo sa lahat. Si Nicky ba ng Westlife, si Daniel ng A1, si Nick ng BSB o si Justin ng N’Sync?
  • Nagtetext ka sa Myx o sa Vid-ok para manguna ang iyong favorite band.
  • Dahil may lyrics ang channels na nasa itaas, madali mong makakabisado ang kanilang kanta. Kahit pa sa bandang kinaayawan mo.
  • Andaming posters na nagkalat sa mga tindahan. Puro sila lahat.
  • Kumakanta ka kasama ng iyong mga kasama by parts.
  • Inaabot mo rin ang mga matataas na nota, or magpapalusot na part lang ng isang mababang boses na member ang kinakanta.
  • Kapag may christmas party o kung anu mang selebrasyo, laging may kumakanta ng isa sa mga hit singles ni isa sa mga boy band na nasabi.

Haha. Guilty ka no? Ok lang yan. Ako ang karamay mo.

A Lame First Day

Posted in UP on Nobyembre 9, 2007 by Padre Salvi

Di ko alam kung maikokonsider ko na First Day itong araw na ito.

8:30 ako nung nakarating sa UP. Nagpaaga ako kasi magbabayad pa ako ng tuition kong kay mahal [JUNK TOFI!]. Nako. It was a wrong decision. Forever maikli ang pila kanina sa bayaran. Kaya ayun. Nag-istambay ako ng pagkatagal tagal sa AS entrance. Ang unang klase ko pa kasi ay 11:30, which is Chem 16 Lab. Nabalitaan ko na hindi nagsisipag-siputan ang mga prof sa laboratory. Tama nga ang teorya nila. Nagkaroon pa tuloy ako ng another 3 hour break.

Habang nag-aantay ako nun sa teacher ko sa Lab, sumegue kami ni Martin upang hanapin ang kanyang nawawalang classroom. Baka ang iba sa inyo ay alam na ito, ngunit para sa aming mga baguhan, ang hirap hanapin ng PH 1327.

Oh, nakarelate ba kayo? Isa kami ni Martin sa mga nadenggoy nitong room na ito. Nalate pa tuloy siya sa kanyang lecture.

Habang nag-aantay sa aking next class, nakipag bonding muna ako sa aking mga friends. Dun kami ulit sa AS entrance. Hanggang sa lumipas ang oras at boom. 2:30 na. Sa lec section ko, mukhang wala nang nalinlang ng tinatawag na “The Secret Staircase” ng Chem. Andami na kasi nila.

As usual, OP na naman ako. Si Jake lang talaga ang kilala ko sa section na iyon. Habang wala pa ang prof namin, naghahanap na ko ng aking pwedeng maging lab partner. Shet. Mukhang wala. Kaya nanahimik na lang ako at nakinig ng aking mp3. Pero moments later, dumating ang aking prof! Si Dr. Jim Minglana.

Mixed Emotions ang nadama ko nung time na iyon. Nanosebleed ako sa syllabus na ibinigay niya, natakot ako sa mala-terror na mga pananalita niya, kinabahan ako sa index card approach na recitation tactic niya. Nako. Natakot ako sa Chem16 nung time na yun.

Pagkatapos ng kanyang mini quiz, inalisan ko na siya agad para tumakbo sa aking Math53. Pero mahal ako ng kalangitan, nagbuhos siya sa akin ng isang napakalakas na ulan. Haiz. First day, basa ako sa Math53.

Pagdating ko sa room namin, naoverwhelm ako nang makakita ng kakilala. Classmate ko pala ang dating blockmate na si Nikko. Sad to say, di sumipot ang prof namin. Excited pa naman ako.