Imbak para sa Disyembre, 2007

We’re like Ocean’s Eleven, Faraday!

Posted in Kabulastugans on Disyembre 31, 2007 by Padre Salvi

fara-edited.jpg

Ipinaalala ni Nika sa akin ang Faraday. Namimiss ko ito ng sobra. Nostalgic na naman ako. Iniisip ko lahat ng mga happenings na kasama ko ang IV – Faraday. Lahat yata ay kawalang hiyaan. Eto ang ilan sa mga hindi ko talaga malilimutang sandali:

  • 696 [The Faraday D-Day] – Kaya 696 ay dahil nangyari ito noong September 6, 2006. Dahil sa sobrang pagkatamad naming umattend ng aming Values Subject ay naisipan naming taguan ang aming Values Teacher na si Gng. Eugenia Jamito. Tamang-tama at ang naunang subject namin ay TLE na subject ng aming butihing Adviser na si G. Job Alzaga Ferrer. Nagtago kami sa TLE Room at kami nama’y pinagtakpan ng nasabing adviser. Pagkaalis niya’y nakonsensya kami at bumalik sa aming classroom. Sabi nami’y naglinis kami ng Robotics Room.
  • Kapag pinagalitan, yumuko; Kesehoda at ilan pang mga aral sa buhay na matututunan kay Bb Adoracion San Pascual – Kesehoda. Ibig sabihin ay “bahala na kung…” Talaga namang enjoy ang bawat Filipino Class namin dahil sa mga mabibigat na sermon ng aming resident “Aling Dory”. Isa pang hindi ko malilimutan ay ang sermon niya tungkol sa mga estudyanteng pinapagalitan. Kailangang wag ka tumingin ng derecho sa taong nagagalit sayo to show some respect. Ang ibig sabihin daw nun ay pagpapakumbaba. Lastly, namimiss ko na ang malutong niyang Punyeta. Haha.
  • The Lupe Scandal – Naisipang magdala ng cd itong kaklase naming si Hans. “Lupe” starring Andrea del Rosario. Katatapos lang kasi ipalabas ng Merchant of Venice na aming topic sa English IV. Napabayaan kami sa loob ng AVR kaya nagdesisyon sila na iplay ang Lupe CD. Eh biglang dumating si [Yaya Lupe] at sinabing may klase kami sa subject niya. Habang nagkaklase kami’y naglalaptop siya tapos may nagpakalat na nanonood daw siya ng Lupe sa laptop na iyon. Thus, she garnered the nickname Lupe. [We included Yaya because of our hatred towards her]
  • Ang Istorya ni Lupe at Ian – Mahaba ang narating ng istoryang ito. Nagsimula ito ng makita naming magkasama ang Resident Chickboy-slash-Clown-slash-Physics Teacher-slash-Basketball Coach na Sharp Shooter-slash-Dennis Trillo Lookalike-slash-Beer Belly Boy na si G. Andrian Mesa. Thus, the story of “Ian” and “Lupe” was formed. Dito nabuo ang kwento ng Faraday Family kung saan si “Kuya Ian” ang panganay ni Mami Xyrza at Daddy Job [See this post for a background of the Faraday Family] na nagkarelasyon sa aming Yayang si Lupe. The story goes on and on and on.. Isinabuhay ang kwentong ito sa aming Exhibit sa susunod na bullet.
  • Ang Paghihiganti ni Lupe – Ito ang Science Exhibit namin. Science Exhibit??? Oo. Pinasukan yan ng Science. Pero ito’y isang horror house. As you go on the “House of Lupe” may kokolektahin kang mga piraso ng panyo na makukuha mula sa mga multong nagtatanong ng tungkol sa Science. [Ako Master ng Station 1]. Nabasa niyo naman siguro ang istorya ni Lupe sa previous bullet. Pero ang nangyari kasi eh pinatay daw ni Mayordoma [yet another character] si Lupe dahil forbidden ang pagmamahalan nila ni Ian. Haha. Trabaho ng pumapasok sa exhibit namin na tulungan si Lupe. What a crazy story..
Ayan. Halata namang namiss ko talaga ang High School.
I Love You Faraday!!
We’re like Ocean’s Eleven.
Remember the Ipod, The Gm’s and other
foolproof techniques during our Periodical Tests?
Haha. Scandalous! [and Libelous!]
Para makita ang post ni Nika sa Multiply.. click here.
Advertisements

Year Ender

Posted in Kabulastugans, Pastorals on Disyembre 28, 2007 by Padre Salvi
New Years Resolution

Magpapayat.

Engine Search Terms…

Posted in Kabulastugans, Pastorals on Disyembre 21, 2007 by Padre Salvi

Mga nakakatuwang terms na ginamit ng mga tao sa buong mundo upang mahanap ang blog mo.. game!!

heroes season 2

Woohoo! I also love Heroes. Pero dun ka magsearch sa official fansites ng Heroes, like Heroes Revealed. Puro mga hinanakit at ka-OAan lang ang mababasa mo dito sa blog ko.

one more chance john lloyd cruz, “one more chance” + bea alonzo

Binanggit ko nga ito sa isa sa mga post ko. Di ka siguro makagetover sa kwento. Haha.

winner the amazing race 12

Naghahanap ka ba ng spoilers? Tama ang pinuntahan mong blog. Pero ayoko magbigay ng spoilers sa TAR12 dahil una, hindi ko alam, at pangalawa, pinanonood ko siya ngayon kaya I don’t want to be spoiled

zanjoe, bianjoe ako

Ako rin. Bianjoe ako. Kaya lang naagaw na siya ni Mariel eh.

Shilpa Shetty tanga

Hindi kaya tanga si Shilpa Shetty. Buti nga pinatawad pa niya yung mganagdiscriminate sa kanya eh.

si elias at salome ng noli me tangere, trivia: el filibusterismo, klase sa pisika sa el fili, sino si elias at salome

Kawawa naman ang mga batang ito. Nalinlang ko pa sila patungo sa blog kong walang kinalaman sa El Filibusterismo. Andami ko nang narerecib na mga rekwes tungkol sa kwento ni Elias at Salome. Pero sorry, hindi ko rin alam ang storya nila.

“Je t’aime, tout le monde” translation

I love you all. Yan ang ibig sabihin nyan.

layout doraemon

Cool na layout yan. Pero wala ako eh. Di ako makakagawa ng ganyan.

bilbil love handles, tickling love handles

Nako. Kung tips ang hanap niyo sa pagkiliti ng mga bilbil, wala ako dito.

poems on padre salvi

Wala pa naman akong poems na nababalitaang patungkol kay Padre Salvi. Ikaw na unang gumawa.

NAKAKAHIYANG PHYSICAL EXAM

Talagang nakaCaps lock pa. Nakakahiya talaga ang Physical exam, pero nakatakas ako sa UP Medical Exam. Hindi ko ginawa iyan. Haha

levicorpus

Hex na nonverbal kung saan mababaligtad at mabibitin sa kanilang mga ankles ang kung sino mang matamaan nito. Go Harry Potter!

Michael Carrell

Fan na fan na yata to ng The Office. Ang pangalan po ng artista ay Steve Carell. Ang character ay Michael Scott. Gets?

up.diliman (pan. pil)

Nang-aasar ka ba? Di kaya ako nakakuha ng Pan Pil last sem. Tapos hahanapin mo sakin?

makati science

I miss my high school! M-A-K-S-C-I. Maksci Fight, Oh Yeah!

ang buhay kolehiyo [jokes]

Sa text marami.

tungkol kay nick carter

Nahihiwagaan na nga rin ako kay Nick Carter. Bat nangingibabaw lagi ang boses niya? Bakit mukha siyang nagpabotox?

Rizal jokes

Rizal Jokes? Uhm. Mag PI 100 ka na lang.

rebyu ng nobela ng haripotpot

Naghahanap ka ng Haripotpot Review? Tamang tama. Dito lang available yun!

raymond falgui

Better search Peyups.com. Or ask Toni, my friend. Magugulat ka na lang na andami niyang girl fans.

ang hiwaga ng ibong adarna, sino ang nag sulat ng Ibong Adarna

Malay ko ba. Mahiwaga talaga ang Ibong Adarna eh. By the way, Anonymous pala ang nagsulat ng Ibong Adarna.

rhodora ancheta

Prof ko to last sem. Ok naman siya. Matrabaho lang talaga ang subject niya. Pero 1.75 ako. Woohoo!

Rossetti kő

Nosebleed. The hell is Rossetti?

Hiro Nakamura yata

First of all, it is spelled YATTA. Haha. We all love Hiro Nakamura!

photos de paksang laos

Laos pics? Wala ako dito eh.

Padre Salvi famous lines

Wait. Wala pa naman akong famous lines ah.

“mike nekahi”

The hell is he?

rafael rosell december 2007

Sorry. Rafael Rosell November 2007 lang meron ako. JOKE

6 Half-Blood Prince Draco

Si Snape kaya ang Half Blood Prince.

math 53 chona tandang

Sorry. Di ko siya teacher eh. Ask Marky, my friend

the word Arnel

Arnel, you are being summoned here!

tungkol sa x-ray

Wala akong alam tungkol sa x-ray eh.

Ang Talambuhay ni Peter J. Daniel

The hell is Peter J. Daniel?

makati science roentgen 2005-2006

Kabatch ko to. I’m Maksci Lavoisier 2005-2006. Si Aia ang tanungin mo ukol dito.

wowow tuwing gabi

Nanonood din ako nyan dati. Pero censored na to in most cable stations eh.

big brother jasmina sex

Walang kathrill thrill to. Nakacover kaya sila ng kumot. Isearch niyo ang sex sa Big Brother Slovakia. Mas daring.

Aras Survivor

Aras. Woohoo! Haha. Nasan na akaya siya. Sana bumalik siya sa Survivor 16. Pero si Terry ang nahuhulaan kong sasali.

sino si Teodoro Bacani?

Do you mean Teodoro Bacani Asuncion? The Notorious TBA prof.

911 boy band gay

Haha. Post ko to dati ah. Pero di ko kilala ang 911 band.

Sa Likod ng Diwa ng Pasko

Posted in Birthday, Christmas, Pastorals on Disyembre 15, 2007 by Padre Salvi

…. ay ang maliit na business ng mga paslit. Caroling!

Para naman sa ating mga listeners ng kanilang mga makapag-damdaming kanta, may naisip akong mga signs na pwedeng ilagay sa harapan ng inyong bagay na nakakatuwa.

[Inspired by our kapitbahay na naglagay ng ganitong sign sa gate nila.]

PATAWAD, BATA!

O diba, para nga naman hindi ka na mamroblema sa kakasigaw ng patawad sa kanila.

Eto pa ang ilang naisip ko na maaaring maging patok na patok sa inyong mga gates sa darating na caroling season.

bawal.jpg

Start na naman ng “Sa May Bahay Medley”.  May dagdag pala ako. Wag ding kakanta ng Boom Tarat Tarat. So Annoying.

french_croatian.jpg

Amazing ang mga batang papatos sa offer mo na ito.

hapi-hour.jpg

Talagang Happy ka kapag nahuli ka ng barangay tanod.

 limit.jpg

Hanggang mapaos ka, sampung piso pa rin ang maximum na ibibigay sayo.

 tatlo-dos.jpg

Haha. Parang kendi lang ah.

~~

Paningit

Maligayang kaarawan kay Binibining Galang.

Bon Anniversaire

Posted in Birthday on Disyembre 11, 2007 by Padre Salvi

picture-100.jpg

 

Happy Bertday kay Kapatid!

11 na siya!

 

~~

 

Math 53 test tomorrow and EEE11 exam on Saturday.

Bukas o makalawa ang aking matinong post.

Mga Pangungumpisal ni PadreSalvi

Posted in Blind Item, Jinxes, Kabulastugans on Disyembre 7, 2007 by Padre Salvi

Haha. Kinuha ko to mula sa baul ni Joanne. Ang cool kaya ng post na ito. Ako na ang mangungumpisal ngayon.

Direksyon:

Sumulat ng mensahe o saloobin mo sa kinseng katao sa mga susunod na numero nang hindi sinasabi kung sino sila. Malaya kang manumbat, manisi, magmura (huwag naman), magtapat (yikee!) o magsabi ng kahit anumang gusto mong sabihin sa kanila.

Game!

 

  1. Haha. Crush pa naman kita. Pero mukhang may boyfriend ka na eh. Nakita ko sa Friendster Account mo. Crush lang to. Walang promotion to the next level. Sana makita kita ulit sa jeep.
  2. Amplastik mo talaga grabe. Kala mo naman, desperado akong maging friend kita. Hoy, imudmod ko yang mukha mo sa snow. Ang sarap mong murahin.
  3. Ikaw, number 3, wala lang. Binura ko na ang nakaraan. Alam kong masaya ka na sa ginagawa mo ngayon.
  4. Four, good luck sa pag-ibig mo. Support lang ako sayo all the way. Text kalang sakin. Pero di ako pwedeng maging love doctor, alam mo naman yon.
  5. Di mo pa rin ata nahahalata na may inis sayo si number 6. Mag-usap na kaya kayo.
  6. Six, kausapin mo si number 5. Ikaw na gumawa ng paraan. Baka lumala pa yan. Hala. Kawawa kami ni number 4 kapag nagkagulo.
  7. Haha. Natutuwa ako na sanay na pala ako sa kadramahan mo. Mahigit isang taon na rin tayong magkakilala. Kamukha mo talaga si Frosti. Wala lang. Pahiram ng Queer as Folk mo. [grabe, kung di mo pa nakilala sarili mo]
  8. Oi, meet tayo in person. Isang jeep ka lang naman eh. Oo. Ikaw yun, wordpress blogger. Isasama ko si number 7 at si Martin. Bloggers reunion tayo. Ikaw nga yon. Sinabihan na kita na may message ka dito. Eto na yung message na tinutukoy ko.
  9. Oi. Haha. Ang vain mo kaya. Hindi ko tinetake as negative to. Pero ma pagkairita kasi ako sa sobrang vain. Not just in terms of photos. But, the being OC. Wala lang. Maaadapt ko naman siguro yun.
  10. Sorry kung lagi akong parasite. I will try to be mutual. Haha. Ikaw nagtuturo sakin pero mas mataas pa nakuha ko na grade kesa sayo. Haha.
  11. Haha. Feel na feel na natin ang pseudo relationship. Baka di ito maintindihan ng ibang tao. Alagaan daw kita sabi ng special someone mo. Naging babysitter pa tuloy ako.
  12. I hate your character. Nakakairita ka lang. Pero tolerable naman. Pero ulit, kapag sumobra, nakakainis talaga.
  13. Haha. Bat ba super pawisin ka? Nakakadiscourage tuloy tumingin sayo. Eh kailangan ko pa naman yon para makauno. Gamitin mo yung portable electic fan mo lagi.
  14. Haha. Nagtago ka pa para hindi ko makita ang picture niyo. Nako. Matagal ko nang alam yan. Sinabi na sakin dati ng ex mo. Sige. Alagaan mo siyang mabuti.
  15. Bakit ang suplado mo? Ambaba nga ng ibinigay mo saking score sa test. Buti nalang mabait yung ibang nagcheck. Nako.

Padre Salvi in Hongkong

Posted in Hongkong, Pastorals, Pics on Disyembre 5, 2007 by Padre Salvi

1/6 of the World’s population are Chinese. Di mo feel? Sa Hongkong pa lang, magsasawa ka na.

Nang-imbita ulit si nanay na pumunta ulit ng Hongkong. Kung nabasa ninyo ang post ko noong nakaraang taon, nasa Hongkong kami noon. Ibig sabihin, baka makita niyo kaming pagala-gala doon tuwing first week of December. Pero di naman every year.

 

picture-107.jpg

 

Hongkong at night

 

Dahil tinatamad akong magsulat in paragraphs, ibubullets ko na lang ang aking mga hinaing.

 

Naamaze ako sa:

 

  • Honesty ng mga tao doon – ang bus fare mo ay isushoot mo lang sa parang alkansya nila. Di na bibilangin ng driver. Pati sa train nila. Kalahati lang ang bayad ng bata sa matanda. Pero walang nagmomonitor kung ang ticket mo ay pambata o pangmatanda. Naisip ko tuloy na kung mga Pilipino yun, bibili sila ng pambata para makatipid. Hay nako, minsan ayoko ng pagiging resourceful ng mga Pilipino. It is pushed to the limits.

  • Harry Potter sold in Vending Machines – Oo. May Harry Potter sa Vending Machine. It’s the coolest thing I’ve ever seen.

  • Twice the size of our Yakult – Haha. May Yakult Grande pala. Eenjoyin talaga to ng mga Yakuleros out there.

  • 7-11 everywhere – sa tren, sa kalsada. Kahit saan may 7-11

  • The Elders are alive and kicking – game na game ang mga matatanda sa lahat ng rides sa Amusement park. Baka mapahiya ka pa kung ikaw dyan eh takot na takot sumakay sa roller coaster tapos sila, nangunguna pa sa pila. Tapos, yung mga service crew pa nila, mga matatanda din. Sa 7-11, Mcdonalds etc. Lahat yata ng kabataan nila, napunta sa Disneyland.

  • Cool Costumes -ang costume ng mga taga Disneyland ay super cool, to the point na gusto mo nang magtrabaho dun.

  • The English Name Mania – nagsstart na nga silang yakapin ang English sa kultura nila kaya nagsisimula na sila sa kanilang mga pangalan. Lahat na yata ng maisip mong English name, meron na. Natawa lang ako dun sa guard na ang pangalan ay Vincent. Pangalan kasi ng bata ang Vincent, pero matanda yung guard na yun. Sa Ocean Park naman, Wendy ang pangalan nung isang nagpapatakbo ng children’s ride.

  • The Cool Train System – buong Hongkong ay nakakunekta sa iisang train system. Kaya naman one stone’s throw away lang ang mga lugar doon dahil all you need is one ticket [to paradise].

  • The Dirtless, Pollutionless City -kaya Ok lang siguro sa mga tao doon ang hindi pagligo dahil di ka naman masyadong madudumihan doon. Mayayaman lang kasi ang may kotse doon. Halos lahat ay umaasa sa tren, taxi at bus kaya naman hindi masyadong polluted ang mga daan, at wala pang traffic. Isa pang maganda dun, kapag pinawisan ka eh hindi ka naman manlalagkit.
  • Cool Airport – ang airport na yata nila ang busiest among the others. Kaya naman super laki nito at super nakakatuwang pasukan.
  • The Hi-Bye system – Sabi ko nga, niyayakap pa lang nila ang English kaya naman ang number one sa kanilang vocabulary ay ang Hi at Bye. Hindi sila nahihiyang isigaw ang words na ito sa mga dayuhan na makakasalamuha nila. Lalo na sa Disneyland, mga matatanda pa ang mga nagmimistulang bata dahil sa Hi-Bye system na ito.

Pictures pala. Nasa multiply. Wala pa yung Ocean Park. Nasira kasi yung Camera sa Disneyland. Haha. Nasa selepono ni nanay ang pics namin dun.

HONGKONG PICS

Eto patikim.

picture-136.jpg

 

Human Sized Buzz Lightyear

 

picture-122.jpg

 

Ang Walang Kamatayang Disneyland Garden Pic