Imbak para sa Abril, 2008

I want to be a CIA

Posted in TV on Abril 29, 2008 by Padre Salvi

Hangover na naman ito ng pinanonood kong TV Series ngayon.

Dahil nga “bum” ako ngayong summer, nagdecide akong manood ng Desperate Housewives, at ang diwa ng post na ito, ang Chuck. Ayon sa Wikipedia, ito ang Synopsis ng kwento:

The series is about an “average computer-whiz-next-door” who receives an encoded e-mail from an old college friend now working in the CIA; the message embeds the only remaining copy of the world’s greatest spy secrets into Chuck’s brain.

Dahil nga dyan sa nakakaadik na plot line, nakukumbinsi ako ng show na ito na “cool” ang maging isang CIA agent. Napakasaya ng buhay na tumatakbo ka mula sa kalaban habang papilay-pilay na naglalakad kasi natamaan ng bala ng baril sa binti. Tapos tatalon ka mula sa iyong “cool” na kotse kasi may naglagay ng bomba.

Alamat ng Selepono

Posted in Pastorals on Abril 21, 2008 by Padre Salvi

Simula nung lumabas ang unang selepono sa Pilipinas n years ago, hindi nagpahuli ang pamilya namin at bumili din ng sariling selepono. Ang naaalala ko nun eh yung super laking Nokia 100 ang dala dala ni Itay. Sinabi pa nilang ipapamana nila sa akin ang seleponong iyon. Buti na lang at hindi natuloy.

Tumingin ka na lang ng patagilid.

Dahil napaka-amazing ng technology, mabilis na nawala ang Nokia 100 sa kamay ng pamilya namin. Dumating na ang mga unang call and text selepono sa Pilipinas. Di nagpahuli si Inay sa pagkuha ng sikat na sikat na Nokia 3210. Php 5,000.00+ daw iyon ayon sa kanyang mga anekdota. Sikat na sikat si Inay nun dahil sa bagong selepono niya.

Nokia 3210, the coolest phone in town [8 years ago]

Dahil sikat na sikat si Inay, binilhan niya rin ako ng aking sariling selepono. Ang Nokia 5110i. Sikat na sikat rin ako nun sa school dahil sa bago kong selepono. Nairita ata yung teacher ko sa akin dahil dun.

Nokia 5110i, ang seleponong super tibay eh kahit ibato mo sa kaaway, di pa rin masisira.

Nawili si Inay sa Buy and Sell nun, napagtripan niya ang selepono ko, kaya binigyan niya ako ng bagong selepono. Isang Ericsson na hindi ko alam ang tatak.

Pagkatapos nun eh nagsawa ako sa Ericsson kaya nagpabili ulit ako ng bago. Ang kuripot ng nanay ko, ipinamana sa akin ang kanyang 3210 dahil bumili siya ng bagong selepono.

Buti na lang eh napagtripan ulit ni Inay na ibenta ang 3210 kaya binigyan niya ako ng Nokia 2100. Alam kong 2100 ang number nun pero ibang selepono ang lumalabas sa screen. Basta 2100.

Well, as usual. Binenta na naman ni Inay ang akong 2100 kaya napalitan ito ng Nokia 1100. Smart Kid pa nga ang Sim Card nun.

Nokia 1100, may flashlight to. Haha.

Hulaan niyo kung anung nangyari pagkatapos.

Binenta na naman ni Inay ang 1100 pero napalitan ito ng Nokia 3100 na pamana sa akin ni Itay galing Saudi. Nakakapagsulat ito ng Arabo.

هذا هو نوكيا 3100. وقد رسائل بالعربيه.

[Binabasa ang arabic ng pabaligtad]

Dahil nagsawa ako sa Arabic na selepono, nagpabili ulit ako. Nokia 6610i. May radyo. Tumagal sakin to ng 3 years. FYI, di pa ito ibinebenta ni Inay. Sira kasi ang housing. Hahanapan niya pa raw bago ibenta ulit.

Ang seleponong minahal ko ng lubusan.

Syempre laging may kapalit ang selepono. Kaya ngayon ay bago kong selepono ay…. Nokia 2600 classic!

Ngayon lang kasi ako nakapagmay-ari ng seleponong may Bluetooth Capabilities. Oha!

Yeah. I love you New Cellphone!

[Edit] Phoneyeta naman eh. Kawawala lang nitong seleponong ito. Wala akong selepono for 3 years? Sabi kasi ng tatay ko. Pero keri ko naman yun. Buhay naman ako ng walang selepono eh. Ang hindi dapat alisin sa buhay ko eh Internet at TV [/edit]

Hindi na ako Freshie

Posted in Pastorals on Abril 16, 2008 by Padre Salvi

Ngayon pa lang eh namromroblema na ako sa mga subjects na kukunin ko this First Semester. Kasi meron nang mga 2008 – XXXXX na makikipag agawan sa mga PE, at GE subjects na kukunin ko. Makikipag agawan din ako sa kapwa engineering para sa Math at mga Department of EEE Friends para sa EEE Subjects. Andaming kalaban, ang konti ng pwestong paglalabanan.

Kaya naman gumawa na ako ng plano. Nagsisiksikan ang mga subjects in conflict. CRS, ibigay mo sa akin ang isang napakagandang schedule!

Time Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday
7:00 – 8:30 Math 54 (E) Math 54 (E) Math 54 (E) Math 54 (E)
8:30 – 9:00 EEE 13 lab (A2 and B) EEE 33 lec EEE 13 lab (A1) EEE 33 lec
9:00 – 10:00 EEE 33 disc (C) conf EEE 13 lab (A2 and B) CWTS 1 (A – EEE and B – GE)
10:00 – 11:00 EEE 13 lab (A2 and B) Geol 1 (A and B) Geol 1 (A and B)
11:00 – 11:30 PE 2 CHL (A and B)
11:30 – 12:00 Math 54 (A, B, C, D) Math 54 (A, B, C, D) Math 54 (A, B, C, D) Math 54 (A, B, C, D)
12:00 – 1:00
1:00 – 2:30 PE 2 BW -T (A) EEE 34 (A) conf MPs 10 (A) EEE 34 (B) conf MPs 10 (B) EEE 34 (C) conf MPs 10 (A) MPs 10 (B) CWTS 1 (C – GE)
2:30 – 3:00 EEE 34 (A) conf MPs 10 (C) EEE 34 (B) conf MPs 10 (D) EEE 34 (C) conf MPs 10 (C) MPs 10 (D)
3:00 – 4:00 PE 2 BW -T (B) EEE 33 disc (A) conf MPs 10 (D)
4:00 – 5:00 EEE 13 lec (A) EEE 13 lec (B) EEE 33 disc (B)
5:00 – 6:00

Legend: Math 54 – Elementary Analysis 2 [Calculus 2]

Geol 1 – Geology

MPs 10 – Malikhaing Pagsulat sa Filipino

EEE 33 – Electric Circuit Theory

EEE 34 – Electrical Measurements Laboratory

EEE 13 – Programming Applications in EEE [Ang sequel ng dinasalan kong EEE 11. Mas mataas ang mortality rate nito kesa sa EEE11.]

PE 2 BW – T – Tenpin Bowling

PE 2 CHL – Cheerleading [Ang PE kung saan literal na manonood ka lang ng UAAP. Magsusubmit ka lang ng tickets sa prof mo.]

CWTS 1 – Civic Welfare Training Services [Para sa ayaw mag ROTC]

Hiatus ulit.

Posted in Pastorals on Abril 15, 2008 by Padre Salvi

May Parusa ako ngayon
Kaya cut ang internet.
Pagbalik ko..

magpapacheese burger ako!!

Wala.

Posted in Liban on Abril 12, 2008 by Padre Salvi

Hindi ko alam kung ano ang mapopost ko ngayon.

Nauubusan ako ng ideya.

Maygad. I passed EEE11.

Posted in Studies, UP with tags on Abril 7, 2008 by Padre Salvi

Ik hoop ik drie in EEE11 zal krijgen.

Although naiannounce ko na ang aking pagbabalik, umaasta pa rin akong parang nasa hiatus. Ayoko sanang magpost ng isang “Hell Week” post pero yun lang talaga ang maipopost ko ngayon. Hell Week!

~~

Haha. Naalala ko dati nung nagmakaawa ako sa blog ko na bigyan ako ng tres sa ES1, tapos dos ang nakuha kong grade. Kaya itong post na ito ay dedicated sa pagmamakaawa ko na bigyan ako ng tres sa EEE11.

我希望我将得到三在EEE11 。

我希望我將得到三在EEE11 。

Ik hoop ik drie in EEE11 zal krijgen.

J’espère que j’obtiendrai des trois dans EEE11.

Ich hoffe, daß ich drei in EEE11 erhalte.

Ελπίζω ότι θα πάρω τρία σε EEE11.

Spero che ottenga i tre in EEE11.

私は私がEEE11 の3 つを得ることを望む。

나가EEE11안에 3개을 얻을 것 을 나는 희망한다.

Eu espero que eu comece uns três em EEE11.

Я надеюсь я получит 3 в EEE11.

Espero que consiga tres en EEE11.

I hope I will get a three in EEE11.

Sana maka-tres ako sa EEE11.

Bakit tres lang? At hindi uno or dos? Kasi super saya ko na sa tres na iyan. Lord, tres lang! Please. Haha. At kung meron pang nakakaalam ng iba pang translation sa sentence na iyan, icomment mo na lang. Haha.

Trinanslate ko pa to different languages. Naintindihan yata ng prof ko yung Chinese Translation, kaya eto na ang mga grades ko.

Second Semester 2007 – 2008
Subject Instructor Units Grade
Fil 40 ALCANTARA, RUBY 3.0 2.00
Chem 16 FERNANDEZ, PATRICK/ MINGLANA, JIM JOSEPHUS 5.0 2.00
Math 53 OCAMPO, ALDRIN 5.0 1.75
EEE 11 TAI, TYRONE 3.0 1.75
EEE 31 GUSAD, MARIA THERESA; PEDRASA, JHOANNA RHODETTE 2.0 2.00

GWA: 1.8888

Di ako nakaCS pero OK lang. Nakapasa naman ako ng EEE11. Woohoo!

Pinakaba ako ng subject na to. Isa pa pala sa pinakamataas kong grades. Haha.

[edit]

Meron pala akong bagong blog. Gusto ko lang itry ang wonders ng Livejournal. Pero hindi ko iiwanan ang blog na ito. Napamahal na si Padre Salvi sa akin.

http://promotor.livejournal.com