Imbak para sa Hunyo, 2008

Paumanhin sa Hiatus

Posted in Pastorals on Hunyo 26, 2008 by Padre Salvi

Lately, Eto ang mga ginagawa/gagawin ko.

http://people.sinclair.edu/nickreeder/EET150/PageArt/circuitTheveninExampleUnloaded.gif

Nagcoconvert ng Circuits through Thevenin’s Theorem

Nagpuprove kung orthogonal trajectories ba ang dalawang equation.

Nagkakabit kabit ng kung anu anong resistor at naninira ng Analog Multimeters.

Nagpoprogram ng mga program na malabong gamitin sa totoong buhay.

Naghihimay himay ng mga statements at aalamin kung tama ba ang pagkakarason sa mga bagay-bagay.

Nagsusulat ng isang maikling kwento.

Nag rarappel!

at..

Nagchicheer para sa UP Fighting Maroons at Up Pep Squad!

Kaya HIATUS MODE muna.

Advertisements

Wish

Posted in Pastorals on Hunyo 18, 2008 by Padre Salvi

Sana makapasa ako sa EEE 13.

Double Rebyu: Made of Honor + Enchanted

Posted in Le Cinema on Hunyo 14, 2008 by Padre Salvi
Introduction

Obsessed ka ba sa mga kasalan? Naging Maid of Honor ka na ba? Opposite sex ba ang bestfriend mo? Nainlove/Naiinlove/Parang Maiinlove ka na ba sa bestfriend mo na yun? O talagang sucker ka lang for bestfriends-in-love stories? Kung Oo ang sagot mo sa lahat ng iyan, tiyak na magugustuhan mo ang Made of Honor.

Title

Made of Honor

Genre

Romantic Comedy

Notable Actors/Actresses

Patrick Dempsey [Enchanted, Grey’s Anatomy] and Michelle Monaghan [Heartbreak Kid]

Tagline

It takes a real man to become a Maid of Honor.

Rotten Tomatoes Consensus + Rating

Sharp performances by Patrick Dempsey and Michelle Monaghan can’t save this forgettable, formulaic chick flick from its comic failings. Gave it a 13%.

Non-spoiling plot + Commentary

Kahit napakababa ng rating nito sa RT, tuwang tuwa talaga ako sa storya. Mahilig kasi ako sa mga kwentong bestfriend na nagkakainlove-an. Marami akong naririnig na hindi mairerelate sa totoong buhay ang storya nila. Naniniwala din ako na ganun, pero sana pinagbigyan nila ang movie na ito. Napanood na siguro ng lahat ang My Bestfriend’s Wedding kaya naman hindi na natin maappreciate ang palabas. Sabi nga nila, Patrick Dempsey is no Julia Roberts.

PSalvi’s Favorite Scene

Nung pumunta si Hannah [Monaghan] ng Scotland at namimiss ni Tom ang mga get togethers nila.

Psalvi’s Rating

7/10

Introduction

Mahilig ka ba sa Fairy Tales? Eh sa Musicals? Isang modern-day princess kaya ang mapadala sa isang busy na city? Ano kaya ang mangyayari sa kanya? Magugustuhan mo ang palabas na ito kung nacurious ka sa storya.

Title

Enchanted

Genre

Romantic Comedy/Fantasy

Notable Actors/Actresses

Amy Adams, Patrick Dempsey [Grey’s Anatomy] and James Marsden [27 Dresses]

Tagline

The Real World and the Animated World collide.

Rotten Tomatoes Consensus + Rating

A smart re-imagining of fairy tale tropes, Enchanted features witty dialogue, sharp animation, and a star turn by Amy Adams. Children and adults alike are sure to have smiles on their faces throughout the film. Gave it a 94%.

Non-spoiling plot + Commentary

Di ko masasabing nagustuhan ko ang storya. Pero I love the soundtrack. Bagay din ang casting ng mga characters. Kung ikaw ay isang Disney fanatic, para sa iyo itong film na ito.

PSalvi’s Favorite Scene

The Dance in the Kings and Queens Ball. Background: So Close by Jon McLaughlin. Nominated to sa Oscars!

Psalvi’s Rating

8.5/10

The Garbage Truck Law

Posted in Pastorals on Hunyo 12, 2008 by Padre Salvi

-forwarded email: napulot ko sa yahoo groups ng UP Circuit-

I hopped in a taxi and we took off for the airport . We were driving in the right lane when suddenly a black car jumped out of a parking space right in front of us. My taxi driver slammed on his breaks, skidded, and missed the other car by just inches!

The driver of the other car whipped his head around and started yelling at us. My taxi driver just smiled and waved at the guy. And I mean, he was really friendly.

So I asked, ‘Why did you just do that? This guy almost ruined your car and sent us to the hospital!’ This is when my taxi driver taught me what I now call, ‘The Law of the Garbage Truck.’

He explained that many people are like garbage trucks. They run around full of garbage, full of frustration, full of anger, and full of disappointment. As their garbage piles up, they need a place to dump it and sometimes they’ll dump it on you. Don’t take it personally. Just smile, wave, wish them well, and move on. Don’t take their garbage and spread it to other people at work, at home, or on the streets.

The bottom line is that successful people do not let garbage trucks take over their day. Life is too short to wake up in the morning with regrets, so…> >
‘Love the people who treat you right. Pray for the ones who don’t.’

Tama nga. Wag maging basurahan ng iba.

Yet Another Top 20 People Picks of Padre Salvi (Part 2)

Posted in Pastorals on Hunyo 4, 2008 by Padre Salvi

Para sa Part 1 ng aking Picks.. Click HERE

[salamat ulit sa Google, isang click lang, may images results na agad!]

6

Eva Longoria – Parker

Isa na naman sa Desperate Housewives. Buti na lang at nahanap ko itong picture na ito dahil pangFHM na ang iba niyang pics.

Gustung-gusto ko ang role niya sa DH at parang wala nang makakaagaw sa papel niya na ito. Katawan kung katawan ang kaseksihan ng DH Babe na ito kaya naman hindi maubos ubos ang photoshoots niya kahit nasa late 30s na siya.

7-8

Robi Domingo and Beauty Gonzalez

Fan ako ng BBF Tandem na ito. Talagang nagcocomplement sila ng mga ugali nila dahil kung gaano kaseryoso itong si Robi eh ganun naman kakwela itong si Beauty.

Gusto ko sanang matira sila sa Big 4 kasama ni Nikki at Ejay.

9

James Denton

Siya si Mike Delfino na asawa [as of Season 4] ni Susan Delfino [Teri Hatcher].

Kalahating parte siya ng isa sa mga pinakapaborito kong TV Loveteams. Swak na swak ang Hottie Bad Boy Image niya sa DH na talaga namang swak na swak din sa puso ng mga fans.

10

Matt LeBlanc

Si Joey ng F.R.I.E.N.D.S

Di ako avid fan ng Friends pero kapag naaabutan ko sa ETC or Star World ang show na ito eh talaga namang pinanonood ko to.

Isa sa inaabangan ko eh ang kakaibang adventures nitong si Joey. Natatawa ako lagi sa mga hirit niya. Kaya naman siguro siya ang ginawan ng spin off ng F.R.I.E.N.D.S.

My Dad, The Barber.

Posted in Kabulastugans on Hunyo 1, 2008 by Padre Salvi

Dahil nga high school teacher itong si Inay, inis na inis siya sa mga buhok naming mag-aama na sobrang haba. Ilang beses na rin niyang inasar ang buhok ko na pinangingitlugan ng ibon. Tutal, enrollment na bukas at kailangan ko ng new look para ipakita sa aking mga batchmates, nagdecide na akong magpagupit.

As usual, eyeballs lang ang maigagalaw mo pag ginugupitan ka na. So habang iniikot ko ang eyeballs ko around the room, nakita ko ang isang buong pamilya na sumugod sa barber shop na pinaggugupitan ko nung sandaling yun. Pagpasok na pagpasok nila ng BS [Barber Shop] at nakita kong nakasumbrero yung isang bata.. alam ko na kung ano ang pakay nila.

Flashback

Nakabili si Itay nun ng hair shaver sa isang department store. Alam naman natin na hidden desire ng mga Tatay ang maging barbero ng kanilang mga anak. Tayo naman ang mga batang walang kamalay-malay sa pinaggagagawa ng mga Tatay natin. Nagpower-tripping siya na gupitin ang buhok naming magkakapatid. As usual, panganay is always first. Kaya sinabak na ako sa gupitan. Inexpect ko na na hindi magiging comfortable ang session na iyon. Pinatunayan pa nito ng iyak ko habang ginugupitan, kaya naman tumakbo na kami ng tatay ko sa nearest barber shop para ayusin ang gulo. Hindi na kailan man nag power tripping si Itay at naging Electrical Engineer na lang siya sa tanan ng kanyang buhay.

Pag-alis nung bata ng sumbrero, anlaki na nung damage nung tatay. Pinigilan ko lang yung ngiti ko nung sinabi nung tatay na itira ang patilya nung bata. Tapos sabi nung barbero, destroyed na raw masyado yung patilya para itira pa. Kawawang bata. Isang biktima ng mga power-tripping na tatay.

Kaya sa magiging asawa ko, alam ko na kung anong power tripping ang gagawin ko sa magiging anak natin. Gantihan lang yan!