Imbak para sa Agosto, 2008

Ang Bagong Kaaadikan ni Padre Salvi

Posted in Le Sports on Agosto 21, 2008 by Padre Salvi

Tennis!

Advertisements

Search Terms na naman.

Posted in Kabulastugans on Agosto 10, 2008 by Padre Salvi

Mga nakakatuwang terms na ginamit ng mga tao upang hanapin ang blog kong tigang.

maikling kwento with pictures

Wow. Interactive na short story ata ang hinahanap ng taong ito. Don’t worry, gagawa ako ng maikling kwento. Wala nga lang mag-iilustrate though.

wordpress el fili mas maganda sa noli

Agree ako dyan. Mas maganda ang El FIli sa Noli. Di ko kasi binasa ang Noli.

mathematics in grade 5

Wow. Talagang sa web pa isesearch ang Mathematics in Grade 5.

poem na ginawa ni william shakespeare

Marami siyang ginawa, actually. Sonnet [insert number here].

talambuhay ni micheal faraday

Mali spelling ng Michael mo tsong. AT walang talambuhay ni Michael Faraday sa blog ko.

jen schefft et jerry ferris

Wow. French ang nagsearch nito. ‘Et’ ang ‘and’ niya. FYI, di sila nagkatuluyan. Si Jerry Ferris, binasted ni Jen Schefft on National/International TV.

lapar kas 100

kas2 lapar

Haha. Prof niyo si Ma’am Lapar ah! No Comment.

acet versus upcat versus dlsucet

Mahirap ang UPCAT at ACET, yung DLSUCET, mahirap din naman siya pero mas madali dun sa 2.

mahirap na kurso engineering, nursing

OO. KUNG AYAW MONG MAMATAY NG MAAGA, wag ka kumuha ng ECE, EE at CoE sa UP.

merchant of venice (tagalog),(buod)

Ang swerte naman ng naghahanap na ito, tagalog na buod ng Merchant of Venice? Ano siya, sinuswerte?

queer as folk quiapo

Oo nga. May kopya nito sa Quiapo. Humiram ka na lang kay Jonell kung ayaw mong bumili.

what is carbon film resistor

Aba’y malay ko! Wala kaming dinidiscuss na ganyan.

anu anu ang mga celebration ng bicol?

Aba’y malay ko ulit.

bigyan mo ako ng jingle sa math in english

Haha. Naaalala ko na sumali pala ako sa Jingle Making Contest sa Math nung 4th year. 3rd ata kami nun. 4 yung teams.

rappeling animated gif

Kung gusto mo, punta ka ng UP Diliman tuwing Monday ng umaga tapos videohan mo kami.

david cook sexy pics

Sexy ba si David Cook? Antaba-taba nun eh. Wala kang mahahanap na ganyan, lalo na dito.

buss lightyear

Mali spelling mo tsong. Kung hinahanap mo si Buzz, punta kang Disneyland. Magsasawa ka sa kanya.

mahirap ang programming

Anung mahirap? NAKAMAMATAY ang programming.

love story of a seminarian

Itanong mo kay Denib Suguitan ang mga bagay tungkol dito.

http://www.storya ng sex.com

Malay ko ba. Walang porn sa blog ko no.

anong tagalog ng cake

Walang tagalog ang cake. “Tinapay na nilagyan ng matamis na puti ng itlog” na lang ang itawag mo sa cake.

mga bundok sa mongolia

Malay ko ba. Di naman ako BS Geog. 1.25 lang kaya ako sa Geog1.