Archive for the Kabulastugans Category

Wow!

Posted in Kabulastugans on Nobyembre 22, 2008 by Padre Salvi

Lagpas 2 Years na pala akong nagboblog!

Pero wala nang kwenta ang blog ko ngayon.

Search Terms na naman.

Posted in Kabulastugans on Agosto 10, 2008 by Padre Salvi

Mga nakakatuwang terms na ginamit ng mga tao upang hanapin ang blog kong tigang.

maikling kwento with pictures

Wow. Interactive na short story ata ang hinahanap ng taong ito. Don’t worry, gagawa ako ng maikling kwento. Wala nga lang mag-iilustrate though.

wordpress el fili mas maganda sa noli

Agree ako dyan. Mas maganda ang El FIli sa Noli. Di ko kasi binasa ang Noli.

mathematics in grade 5

Wow. Talagang sa web pa isesearch ang Mathematics in Grade 5.

poem na ginawa ni william shakespeare

Marami siyang ginawa, actually. Sonnet [insert number here].

talambuhay ni micheal faraday

Mali spelling ng Michael mo tsong. AT walang talambuhay ni Michael Faraday sa blog ko.

jen schefft et jerry ferris

Wow. French ang nagsearch nito. ‘Et’ ang ‘and’ niya. FYI, di sila nagkatuluyan. Si Jerry Ferris, binasted ni Jen Schefft on National/International TV.

lapar kas 100

kas2 lapar

Haha. Prof niyo si Ma’am Lapar ah! No Comment.

acet versus upcat versus dlsucet

Mahirap ang UPCAT at ACET, yung DLSUCET, mahirap din naman siya pero mas madali dun sa 2.

mahirap na kurso engineering, nursing

OO. KUNG AYAW MONG MAMATAY NG MAAGA, wag ka kumuha ng ECE, EE at CoE sa UP.

merchant of venice (tagalog),(buod)

Ang swerte naman ng naghahanap na ito, tagalog na buod ng Merchant of Venice? Ano siya, sinuswerte?

queer as folk quiapo

Oo nga. May kopya nito sa Quiapo. Humiram ka na lang kay Jonell kung ayaw mong bumili.

what is carbon film resistor

Aba’y malay ko! Wala kaming dinidiscuss na ganyan.

anu anu ang mga celebration ng bicol?

Aba’y malay ko ulit.

bigyan mo ako ng jingle sa math in english

Haha. Naaalala ko na sumali pala ako sa Jingle Making Contest sa Math nung 4th year. 3rd ata kami nun. 4 yung teams.

rappeling animated gif

Kung gusto mo, punta ka ng UP Diliman tuwing Monday ng umaga tapos videohan mo kami.

david cook sexy pics

Sexy ba si David Cook? Antaba-taba nun eh. Wala kang mahahanap na ganyan, lalo na dito.

buss lightyear

Mali spelling mo tsong. Kung hinahanap mo si Buzz, punta kang Disneyland. Magsasawa ka sa kanya.

mahirap ang programming

Anung mahirap? NAKAMAMATAY ang programming.

love story of a seminarian

Itanong mo kay Denib Suguitan ang mga bagay tungkol dito.

http://www.storya ng sex.com

Malay ko ba. Walang porn sa blog ko no.

anong tagalog ng cake

Walang tagalog ang cake. “Tinapay na nilagyan ng matamis na puti ng itlog” na lang ang itawag mo sa cake.

mga bundok sa mongolia

Malay ko ba. Di naman ako BS Geog. 1.25 lang kaya ako sa Geog1.

My Dad, The Barber.

Posted in Kabulastugans on Hunyo 1, 2008 by Padre Salvi

Dahil nga high school teacher itong si Inay, inis na inis siya sa mga buhok naming mag-aama na sobrang haba. Ilang beses na rin niyang inasar ang buhok ko na pinangingitlugan ng ibon. Tutal, enrollment na bukas at kailangan ko ng new look para ipakita sa aking mga batchmates, nagdecide na akong magpagupit.

As usual, eyeballs lang ang maigagalaw mo pag ginugupitan ka na. So habang iniikot ko ang eyeballs ko around the room, nakita ko ang isang buong pamilya na sumugod sa barber shop na pinaggugupitan ko nung sandaling yun. Pagpasok na pagpasok nila ng BS [Barber Shop] at nakita kong nakasumbrero yung isang bata.. alam ko na kung ano ang pakay nila.

Flashback

Nakabili si Itay nun ng hair shaver sa isang department store. Alam naman natin na hidden desire ng mga Tatay ang maging barbero ng kanilang mga anak. Tayo naman ang mga batang walang kamalay-malay sa pinaggagagawa ng mga Tatay natin. Nagpower-tripping siya na gupitin ang buhok naming magkakapatid. As usual, panganay is always first. Kaya sinabak na ako sa gupitan. Inexpect ko na na hindi magiging comfortable ang session na iyon. Pinatunayan pa nito ng iyak ko habang ginugupitan, kaya naman tumakbo na kami ng tatay ko sa nearest barber shop para ayusin ang gulo. Hindi na kailan man nag power tripping si Itay at naging Electrical Engineer na lang siya sa tanan ng kanyang buhay.

Pag-alis nung bata ng sumbrero, anlaki na nung damage nung tatay. Pinigilan ko lang yung ngiti ko nung sinabi nung tatay na itira ang patilya nung bata. Tapos sabi nung barbero, destroyed na raw masyado yung patilya para itira pa. Kawawang bata. Isang biktima ng mga power-tripping na tatay.

Kaya sa magiging asawa ko, alam ko na kung anong power tripping ang gagawin ko sa magiging anak natin. Gantihan lang yan!

Shuffle Survey

Posted in Kabulastugans on Mayo 21, 2008 by Padre Salvi

A Shuffle Survey (grabbed from Katrisha)
1. Shuffle your iPod/MP3 player/iTunes/Whatever else you have.
2. Answer the questions by the song title that comes up.
3. Don’t cheat, it makes everything more fun!

[One] What is your life going to be like in five years?
Song:
With You by Chris Brown
Comments: Sino kaya yung “You” na yun?

[Two] How is your love life going for you right now?
Song: Tattoo by Jordin Sparks
Comments: Nakatattoo lagi ang taong yun?

[Three] What pisses you off the most about the opposite sex?
Song: Tell the World by Hillsong United
Comments: Hala. Religious Song to ah. Baka yung nagbabait baitan. Dun ako napi piss off.

[Four] What do your parents really think of you?
Song: Wont Go Home Without You by Maroon 5
Comments: Feeling nila lagi akong dependent.

[Five] What do you think about the world and its current state?
Song: Baby Just Say Goodnight by The Click Five
Comments: Oo. Goodbye world. Say Goodnight na lang.

[Six] What is the worst thing that’s ever happened to you?
Song: Blood by My Chemical Romance
Comments: Aksidente?

[Seven] What will your first/next time having sex be like?
Song: You Raise Me Up by Westlife
Comments: Haha. Ibang position ba to. You raise me up?

[Eight] What is your main goal in life?
Song:
Californication by Red Hot Chili Peppers
Comments: Pumunta ng California?

[Nine] What do the boys at your school think of your looks?
Song: Bang the Doldrums by Fall Out Boy
Comments: Ibabang nila ang Doldrums sa sobrang cool ng look ko.

[Ten] What do you really want in life?
Song: Everything by Michael Buble
Comments: I want everything! That is so true.

[Eleven] How are you going to get far in life?
Song:
Catch Your Wave by The Click Five
Comments: Kapag naging surfer ako, malayo ang mararating ko. Haha. Waves eh.

[Twelve] What do say when you’re in a bad mood?
Song: The End by My Chemical Romance
Comments:Katapusan mo na. Yun lang.

[Thirteen] What about when you are really happy?
Song: Stop and Stare by OneRepublic
Comments: Kapag napapatigil ang mundo ko at nakikita ko siya. Naks.

[Fourteen] What do think of yourself in general?
Song: Unchained Melody by Gareth Gates
Comments:I am an unchained melody. Haha. Di ko alam meaning nun.

[Fifteen] What is your life’s theme song?
Song: Just The Girl by The Click Five
Comments: Ibig sabihin. Maghahanap lang ako ng maghahanap ng babae sa buhay ko?

[Sixteen] What are you going to do this weekend?
Song: S.O.S By The Jonas Brothers
Comments: Kelangan ko daw ng tulong. Haha.

[Seventeen] How can you try and make yourself happy?
Song: Gimme More by Britney Spears.
Comments: By Giving Me More! Haha. Swak.

[Eighteen] What song will they play at your wedding?
Song: Helpless When She Smiles by Backstreet Boys
Comments: Parang magandang kanta to sa kasal ah. Helpless ka talaga kapag makikita ang smile ng bride to be mo.

[Nineteen] What about your funeral?
Song: Tonight by Westlife
Comments: Hanggang sa huling hantungan ko, talagang lumalabas pa rin ang pagkaWestlife Fan ko. Haha.

[Twenty] What or who makes you the most happy?
Song: Vindicated by Dashboard Confessional
Comments: The One who is Vindicated makes me happy, whatever that means.

[Twenty One] What am I even doing on this Earth?
Song: Pop Goes My Heart by Hugh Grant + Someone..
Comments: Mabubuhay ako para maging isang Hopeless Romantic.

[Twenty Two] How am I going to die?
Songs: Ang Katulad Mong Walang Katulad by Orange and Lemons
Comments: Katulad daw ng iyong unique way of dying.

[Twenty Three] What is some good advice?
Song: Bitiw by Sponge Cola
Comments: Basta wag daw bibitiw bigla.

[Twenty Four] & What’s some advice you’d never take?
Song: But It’s Better If You Do by Panic! At The Disco
Comments: Di ko dapat gawin dahil sabi sa title na mas better daw kung ako.

[Twenty Five] Will you ever have children?
Song: Dont Matter by Akon
Comments: Di raw importanteng magka anak ako.

[Twenty Six] What is high school like for you or what will it be like?
Song: Voice of Truth by Casting Crowns
Comments: Liga ng Katotohanan daw ako nung HS. Ows?

[Twenty Seven] How are you feeling today?
Song:
This is How I Disappear by My Chemical Romance
Comments: I Feel Like Disappearing.

[Twenty Eight] What’s your general outlook on life?
Song: Bury Me In Black by My Chemical Romance
Comments: Magpaka Emo before mamatay.

[Twenty Nine] What are your last words going to be?
Song: Touch My Body by Mariah Carey
Comments: Talagang ipapahawak ko pa ang katawan ko before ako mamatay.

[Thirty] What song is going to be stuck in your head all day?
Song: I Think Were Alone Now by The Click Five
Comments:Haha. Maganda naman tong kantang to so Ok lang.

Ik hoop ik drie in EEE11 zal krijgen.

Posted in Kabulastugans with tags on Marso 5, 2008 by Padre Salvi

Although naiannounce ko na ang aking pagbabalik, umaasta pa rin akong parang nasa hiatus. Ayoko sanang magpost ng isang “Hell Week” post pero yun lang talaga ang maipopost ko ngayon. Hell Week!

~~

Haha. Naalala ko dati nung nagmakaawa ako sa blog ko na bigyan ako ng tres sa ES1, tapos dos ang nakuha kong grade. Kaya itong post na ito ay dedicated sa pagmamakaawa ko na bigyan ako ng tres sa EEE11.

我希望我将得到三在EEE11 。

我希望我將得到三在EEE11 。

Ik hoop ik drie in EEE11 zal krijgen.

J’espère que j’obtiendrai des trois dans EEE11.

Ich hoffe, daß ich drei in EEE11 erhalte.

Ελπίζω ότι θα πάρω τρία σε EEE11.

Spero che ottenga i tre in EEE11.

私は私がEEE11 の3 つを得ることを望む。

나가EEE11안에 3개을 얻을 것 을 나는 희망한다.

Eu espero que eu comece uns três em EEE11.

Я надеюсь я получит 3 в EEE11.

Espero que consiga tres en EEE11.

I hope I will get a three in EEE11.

Sana maka-tres ako sa EEE11.

Bakit tres lang? At hindi uno or dos? Kasi super saya ko na sa tres na iyan. Lord, tres lang! Please. Haha. At kung meron pang nakakaalam ng iba pang translation sa sentence na iyan, icomment mo na lang. Haha.

~~

May test pala ako sa Math mamaya. Grabe ang math, ang hirap niya. Suko na ako sa mga irregular solids at mga pinapaikot na pieces of something around the x-axis. Ayoko na rin kapag nagiging cosh na ang cosine. Nahihilo na ko kapag nakikita ko si ‘e’ at si ‘ln’.

d/dx ln x = 1/x dx

d/dx e^x = e^x dx

~~

End na ng sem. Enrollment na ng summer. Nagstart na pala ang pinakapaboritong event ng mga taga UP Diliman. Ang 1 vs 1000. Haha.  CRS Enlistment na para sa Summer Classes.

crs.jpg

Click mo kung gaano karaming subject ang pinagenlistan ko.
 crs2.jpg
Click mo kung gaano karami ang naglalaban para sa 25 slots ng bawat subject.

May Sikreto[s] ako.

Posted in Kabulastugans on Marso 1, 2008 by Padre Salvi

Nag-iisip pa ako ng matinong post. Kaya dadalhin ko ang Multiply Madness sa wordpress ko. Galing kay Denise Marie Ocampo Macrohon.

39 Secrets About You.
Be honest no matter what.

[One] Who was your last 3 texts from?
– Erwin, isang unknown texter, at Lea

[Two] Where was your default picture taken?
– [The Monkey Stuffed Toy] Makati Science

[Three] What’s your middle name?
– David

[Four] Your current relationship status?
– Single

[Five] Does your crush like you back?
– Sana. Kung nagbabasa ka ngayon, please crush me back. Haha

[Six] What is your current mood?
– Anxious

[Seven] What color shirt are you wearing?
– Puti

[Eight] What’s the color of ur nail polish?
– Wala.

[Nine] If you could go back in time and change something, what would you change?
– I have time/space manipulation all along.

[Ten] Where was the last place out of town, that you went to?
– Los Banos, Laguna. Kanina lang.

[Eleven] Ever had a near death experience?
– Oo. Nung may sakit ako nung baby

[Twelve] Things you do a lot?
– Watch TV. [napakanormal na gawain, pero inaabuse ko ng sobra sobra.]

[Thirteen] Do you have a fondness for gnomes?
– Wala.

[Fourteen] Who can you tell anything to?
– Dianne, Martin and Babiera

[Fifteen] Name someone[s] with the same birthday as you?
– Kuya Les, Aras Baskauskas, Serena Williams, George Gershwin

[Sixteen] When was the last time you cried?
– Matagal na. Can’t remember

[Seventeen] Are you for or against capital punishment?
– For.

[Eighteen] If you could have one super power what would it be?
– I already have. Pero para sa pangalawa kong power.. yung intuitive ability na lang. Para madali na lang sa acads

[Nineteen] What’s the first thing you notice about the opposite sex?
– Face, then assets

[Twenty] Who is your favorite celebrity?
– James Marsden and Katherine Heigl

[Twenty-one] What is[are] the theory[ies] that you believe?
– Theory of Relativity, Creationism, Ideal Gas Theory.

[Twenty-two] Favorite color?
– Blue

[Twenty-three] What is one thing that annoys you on TV?
– Kapag naaalis ang bet ko. Yun lang. Saka pag umaarte sina Kimerald.

[Twenty-four] Do you still watch kiddy movies or TV shows?
– Favorite ko yun.

[Twenty-five] What are you eating or drinking at the moment?
– Wala.

[Twenty-six] Do you speak any other language?
– English and Filipino. French [un peu], C Language [printf(“enough para pumasa”);].

[Twenty-seven] What’s your favorite food?
– Beef Teriyaki. Buko Pie

[Twenty-eight] Describe your life in one word?
– Paradoxical

[Twenty-nine] Have any tattoos?
– Wala

[Thirty] What are you looking forward to the most?
– Makita ko si crush.

[Thirty-one] What are you thinking about right now?
– Si crush [due to the previous question]

[Thirty-two] What should you be doing?
– watching american idol

[Thirty-three] Who was the last person that made you upset/angry?
– kapatid ko. nag away kami sa magic sing

[Thirty-four] What are you listening to:
– Killer Queen by Queen

[Thirty-five] Do you like working in the yard?
– No. Mainit eh

[Thirty-six] If you could have any last name in the world, what would it be?
– Dayandante pa rin. Orig. Hindi alphabetically discriminated.

[Thirty-seven] Do you act differently around the person you like?
– Medyo.

[Thirty-eight] What is your natural hair color??
– Black

[Thirty-nine] Why did you cry last time?
– Nakalimutan ko na.

We’re like Ocean’s Eleven, Faraday!

Posted in Kabulastugans on Disyembre 31, 2007 by Padre Salvi

fara-edited.jpg

Ipinaalala ni Nika sa akin ang Faraday. Namimiss ko ito ng sobra. Nostalgic na naman ako. Iniisip ko lahat ng mga happenings na kasama ko ang IV – Faraday. Lahat yata ay kawalang hiyaan. Eto ang ilan sa mga hindi ko talaga malilimutang sandali:

  • 696 [The Faraday D-Day] – Kaya 696 ay dahil nangyari ito noong September 6, 2006. Dahil sa sobrang pagkatamad naming umattend ng aming Values Subject ay naisipan naming taguan ang aming Values Teacher na si Gng. Eugenia Jamito. Tamang-tama at ang naunang subject namin ay TLE na subject ng aming butihing Adviser na si G. Job Alzaga Ferrer. Nagtago kami sa TLE Room at kami nama’y pinagtakpan ng nasabing adviser. Pagkaalis niya’y nakonsensya kami at bumalik sa aming classroom. Sabi nami’y naglinis kami ng Robotics Room.
  • Kapag pinagalitan, yumuko; Kesehoda at ilan pang mga aral sa buhay na matututunan kay Bb Adoracion San Pascual – Kesehoda. Ibig sabihin ay “bahala na kung…” Talaga namang enjoy ang bawat Filipino Class namin dahil sa mga mabibigat na sermon ng aming resident “Aling Dory”. Isa pang hindi ko malilimutan ay ang sermon niya tungkol sa mga estudyanteng pinapagalitan. Kailangang wag ka tumingin ng derecho sa taong nagagalit sayo to show some respect. Ang ibig sabihin daw nun ay pagpapakumbaba. Lastly, namimiss ko na ang malutong niyang Punyeta. Haha.
  • The Lupe Scandal – Naisipang magdala ng cd itong kaklase naming si Hans. “Lupe” starring Andrea del Rosario. Katatapos lang kasi ipalabas ng Merchant of Venice na aming topic sa English IV. Napabayaan kami sa loob ng AVR kaya nagdesisyon sila na iplay ang Lupe CD. Eh biglang dumating si [Yaya Lupe] at sinabing may klase kami sa subject niya. Habang nagkaklase kami’y naglalaptop siya tapos may nagpakalat na nanonood daw siya ng Lupe sa laptop na iyon. Thus, she garnered the nickname Lupe. [We included Yaya because of our hatred towards her]
  • Ang Istorya ni Lupe at Ian – Mahaba ang narating ng istoryang ito. Nagsimula ito ng makita naming magkasama ang Resident Chickboy-slash-Clown-slash-Physics Teacher-slash-Basketball Coach na Sharp Shooter-slash-Dennis Trillo Lookalike-slash-Beer Belly Boy na si G. Andrian Mesa. Thus, the story of “Ian” and “Lupe” was formed. Dito nabuo ang kwento ng Faraday Family kung saan si “Kuya Ian” ang panganay ni Mami Xyrza at Daddy Job [See this post for a background of the Faraday Family] na nagkarelasyon sa aming Yayang si Lupe. The story goes on and on and on.. Isinabuhay ang kwentong ito sa aming Exhibit sa susunod na bullet.
  • Ang Paghihiganti ni Lupe – Ito ang Science Exhibit namin. Science Exhibit??? Oo. Pinasukan yan ng Science. Pero ito’y isang horror house. As you go on the “House of Lupe” may kokolektahin kang mga piraso ng panyo na makukuha mula sa mga multong nagtatanong ng tungkol sa Science. [Ako Master ng Station 1]. Nabasa niyo naman siguro ang istorya ni Lupe sa previous bullet. Pero ang nangyari kasi eh pinatay daw ni Mayordoma [yet another character] si Lupe dahil forbidden ang pagmamahalan nila ni Ian. Haha. Trabaho ng pumapasok sa exhibit namin na tulungan si Lupe. What a crazy story..
Ayan. Halata namang namiss ko talaga ang High School.
I Love You Faraday!!
We’re like Ocean’s Eleven.
Remember the Ipod, The Gm’s and other
foolproof techniques during our Periodical Tests?
Haha. Scandalous! [and Libelous!]
Para makita ang post ni Nika sa Multiply.. click here.